Friday, October 27, 2006

Mahaba ito :)

Grabe gumising ako ng 11 am tas nung paggising ko tumingin ako sa salamin. At grabe nakita ko ung kaliwa kong mata. Ang weirdo niya. Basta may problema sha ngayon. Di niya kapantay ung kanan kong mata. basta nakakatawa. ang weirdo. Nga pla speaking of weirdo. May napanaginipan akong weirdo. Sa panaginip ko ginagawa ko pa ung paper ko sa pas. Biruin mo ung sem break na nga at nde pa rin ako tinatantanan ng mga papel na iyan! Pati sa panaginip ko gumagawa ako ng major paper. grabe. ano ba yan. Speaking of APS nakita ko na ung grade ko dun. At grabe nagulat ako. Nag-eexpect ako ng mas mabababang grade kasi feel ko di ko nagalingan sa finals tas feel ko rin mababa ung nakuha ko sa final paper ko. Pero hindi, mejo mataas pa ung nakuha kong grade. Shempre mataas na un para sa akin. Pero para siguro sa mga henyo napakababa nung nakuha ko. Mas mataas pa ung grade ko ngayon sa aps kaysa sa grade ko last sem. haaay. Nga pla hindi ako kukuha ng aps ngayon. Kasi pagkumuha pa ako tiyak na ma-ooverload na naman ako. At pag nangyari un ay baka masipa na ako sa uap. Mahirap kaya pag overload ung academic units!

Grabe wala pa rin ung grade ko sa eco. Natatakot ako. Bka mamaya 3.50 pa ung makuha ko. Naku wag nmn sana. Ayoko magkabagsak noh! Gabi gabi ko nga pinagdarasal ung mga grades ko eh. hahaha. Ayoko talagang bumagsak. Duh, sino ba nmn ang gustong bumagsak?? hahaha.

Maiba tayo. Mamaya pupunta kami kila Ica. Si Ica nga pla data taga rito. Dun sila nakatira sa bahay ng dati kong crush. Childhood crush. Sige na nga ang aking puppyy love. Grabe nakakamiss ung mga araw na un. Nga pala Vincent ang pangalan niya. Sobrang crush ko siya nung bata ako. Lagi nga akong natutuwa pag naglalaro kmi nun eh ksi sha lagi ang prince in his shining armor ko at ako naman ang kanyang damsel in distress. hahaha. Tapos lagi kaming tinutukso nun. Shempre kunwari naiinis ako pero deep inside kinikilig naman ako. ahahahaha. Pero sa kasamaang palad pumunta at nanirahan na sila sa States. haaay. Nalungkot ako nun ksi di ko na sha makikita. Pero sbi ni Maggy nagpapadala daw sila ng card sa nanay ni maggy. Tapos lagi kaming kinakamusta (shempre dati pa toh). At! Ako lagi ang inuunang kamustahin! hahaha. So un. Nung pag-alis nila pumalit namn sa kanila sila Ica. Sila na ung nanirahan dati sa bahay ng aking puppy love. Pero sadyang malupit ang tadhana. Kinailangan nila lumipat ng ibang subdivision. At sobrang lupit talaga ng tadhana kasi di magtatagal at lilipad na sila sa Canada. Maninirahan na sila dun. At panghabambuhay na iyon! Biruin mo un. At etoh pa. Nakakainis talaga ang tadhana ksi pati sila Dana lilipad na rin sa Canada! At tulad nila Ica panghabambuhay na sila dun! Kawawa nmn ako. Iniiwan nila ako. Sana kmi rin umalis. hehehe.

Tiyak na malulungkot ako pag-umalis sila Dana. Haaaay. Pag-umalis sha wala na kong kasama tuwing new year. Si dana pa nmn ang lagi kong kasama at sabay kami nagpapaputok tuwing new year. Dati nga paputok pa nila ung mga pinapaputok ko eh. OO! Lagi akong humihingi sa kanila ng kwitis, lusis at roman candle. haaay. Pero pag-umalis sila, tiyak na magiging malugkot ang new year ko. Wala na akong hihingihan ng mga paputok! Shempre hindi yan ang rason.. Pero cge isa yan sa mga rason at marami pang iba. MArami ako mamimis sa kanya. Ikekwento ko next time dahil iisipin ko pa lahat.

Mabalik tayo kay Ica. Yun nga, mamaya pupunta kmi ni reah at magi dun. Shempre tulad ng dati nde na naman ako nagpaalam. Malamang nde ako papayagan ksi kakapagalit lng sa akin nung isang linggo. Excited na ko makita si Ica kse sobrang tagal na namng d nagkikita. haaay. Buti na lng makikita ko sha bgo magsimula ang second sem. For sure ksi na magiging busy na naman ako next sem. Haaay. Mapapanaginipan ko naman ang mga paper na gagawin ko. At baka managinip na rin ako ng mga numero kse magkakaroon na ako ng math next sem. Isang malaking good luck!

o cge. bye. hehehehe.

Posted by gel at 12:18 PM